Sabado, Agosto 13, 2011

RONALD TAMFANAN: ANG T'BOLING PINTOR

APO VIEW HOTEL, LUNGSOD NG DABAW

Naimbitahan ako ng isang kaibigang Olan Emboscado (www.olanology.com) na pumasyal sa kanyang palasyo, ang Apo View Hotel ng Davao.Hindi akong nagdalawang-isip dahil na rin siguro sa kasabikan ding makita ang halos isang taong hindi naaninag na Otel.

APO VIEW HOTEL

Isang nakapukaw ng aking lingap ang isang nakakaibang okasyon na sa aking pananaw ay isang napakahalagang elemento ng aking pagkatao na kailangan kung makita.


Ang obra maestra ng isang lokal na pintor, isang ordinaryong membro ng tribong T'boli na kung saan kasama-sama ko sa bawat araw kung ako'y nasa probinsyang  kinagisnan, ang Timog Kotabato.

SI RONALD TAMFALAN


Isang purong T'boli si Ronald, anak ng magasawang Dulo at Denyang ng tribong T'boli. Nagaral sa mababang paaralan ng Sta.Cruz Mission School Foundation Inc. pinamumunuan dati ng paring banyaga.

Hapon na ako ng dumaan sa naturang establisamento, bumungad sakin ang mga napakagandang likha ng naturang pintor. Nakakabighani ang obra... humanga ako sa mga naturang pinta na nakapaskil sa isang parte ng silid.


Isang karaagan ang pumukaw ng aking pansin. Isang pamilyar na mukha na nilikha ng bagitong pintor, isang  anyo na pilit kung inaalala.


aaaaahhhhhhh bigla ko siyang tinanong, "Nald, asa ka kuha anang imong model?" (saan ka kumuha ng model?) " napanaginipan ko po yan sir, isa rin daw yang artist...pininta ko nang apat na oras nang gumising ako"-Ronald. Bigla kung naalala ang isang matanda na kilala sa tawag na L'ang Dulay. Ang Tanyag na T'boli National Artist.

L'ang Dulay

bigla akong bumaling sa kaibigang Olan, "Kuya, si L'ang Dulay yan" " Oo, nga ano?"...
isang paghanga. . . hindi lang sa abilidad na pinapakita ng isang Roland Tamfalan, pati sa isang matalinhagang mga panaginip na nagbigay ng isang inspirasyon sa isang manlilihok upang puminta ng isang likha.



Ayon kay Ronald, hindi nya nakita ng personal ang naturang matanda at nabigla din siya nang sinabi ko na kilala ko ang kanyang ginuhit.


isang namang paglalakbay na nagbigay sakin ng dagdag kaalaman sa naturang tribo. Ngayon ko natantya kung bakit tinawag ang mga T'boli na "Dream Weaver's".

Si L'ang Dulay ay maari nating dalawin sa bayan ng Lake Sebu sa Timog Kutabato at si Roland naman ay maari ninyong bisitahin sa bayan ng Norala,Timog Kutabato.

ama at ina ng pintor


pininta sa T'nalak (yari sa abaka)
nakilala si L'ang Dulay sa paghabi nito

 tatay ng pintor







salamat kina:

Olan Emboscado
Leah Valle
Apo View
Ronald Tamfalan
Jane Montibon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento