Biyernes, Hunyo 17, 2011

PAMBUNGAD

Habang nakaupo ako sa isang bahagi ng aming tinutuluyan. . . pumasok sa isipan. . . ano-anung lugar na ba ang napuntahan ko sa bansang kinagisnan?


pinakamalayo na siguro ang siyudad ng Baguio na halos isang dekada na ang nakalipas noong ako'y pumunta.
isang bakasyon na hindi mabura sa isang isipan at patuloy na binabalik-balikan.
habang ang isang wari ko'y nagtatanong, napasyalan ko na ba ang magagandang tanawin na makikita sa probinsya kung saan ako hinubog ng panahon?
                                   tanawin ng bulkang Matutum

isang probinsyang nagmula sa isa sa pinakamalaking isla ng Pilipinas at naging tanyag hindi dahil sa kagandahan nito ngunit sa kaguluhang nangyayari dito, ang Timog Kotabato ng isla ng Mindanao.


pano nga ba maipamahagi ng isang taga mindanao na itawalag ang karikitan sa kaguluhan?
ito'y isang paanyaya na samahan ninyo ako sa paglakbay at pagtuklas ng kagandahan ng MINDANAO.



MAMANGHA. . .MAKISAYA. . .TARA NA. . .MAGLAKBAY. . .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento