nahirapan akong sumulat ng artikulong ito dahil din siguro sa hirap na dinanas namin sa paglalakbay na aming ginawa sa isang hamon na ininda ng aming mga kasamahan ng halos ilang araw din.
mga huling araw ng buwan ng Marso ng napagisipan naming magkakaibigan kasama ang grupo ng tourism staff ng bayan ng Lake Sebu na sundan ang ilog T'daan Kini.
halos hindi makatulog ang isa naming kasamahan na si Jha Jha habang palapit ang petsa ng aming paglalakbay.
Maaga pa lang bumyahe na kami mula sa bayan ng Banga na kung saan may halos 20 kilometro din ang layo. Sakay ng kanya-kanyang dalang sasakyan pumanhik kami sa bayan ng Lake Sebu.
Dumaan sa opisina ng Tourism upang magparehistro. (isang alituntunin ng bayan na dapat magparehistro ang mga bumibisita, lokal man o banyaga).
halos labin limang minuto din kaming naglakbay hanggang makarating sa Barrio ng Lemlahak.
huminto muna kami ng sandali para sa mga huling bilin ng aming gabay na si Jerson Ungkal. Isang tourism staff na may mataas na kasanayan sa mga ganitong gawain
Dahil sa ang mga kasamahan namin ay puro pa baguhan, pinapaingat nya kami sa madulas na mga bato ng ilog.
nagumpisa kmi ng masaya. . . maingay. . . at may kalikutan hehehehehe
hindi pa kami nakayayo, nang maanod ang pares ng tsinelas ni Jha Jha at diri-diritso pa baba, buti nalang at mabilis din ang aming kasamahang si Oscar Wali at hinabol ito.
naka limang simplang din si Jha Jha habang tinatawanan ni Jay sa pagsuyod ng mapanghamon na ilog.
Halos isang oras naming tinahak ang dalawang daan metro lamang na ilog. . . akyat baba kami sa mga malalaking bato at mga maliliit na talon.
hingal na hingal ang bawat isa samin habang nagpapahinga sa gilid ng ilog.
isang masayang paglalakbay na may hamon sa bawat isa samin. Hamon na nagiiwan samin ng palaisipan kung saan naman kami makakita ng ganitong uri ng aglahi na magudyok sa bawat isa ng susunod na lakad.
Nagpapasalamat ang may akda sa mga taong sumusunod:
Mrs. Thelma Arcallo - Lake Sebu Tourism Officer
Mr. Jerson Ungkal
Mr. Oscar Wali
Mr. Froiland Carrado
aming mga guide.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento