Martes, Oktubre 2, 2012

KANAMI KORONADAL!

KANAMI KORONADAL!


ito ngayon ang bitbit na "tag line" ng siudad ng Koronadal na ang ibig sabihin ay KAGANDAHAN. naging saksi ang siudad na ito sa paghubog ng aking pagkatao, mula ng natuto akong magaral hanggang ako'y naging propesyonal, katuwang ko sa tagumpay ang noong bayang ito.

Koronadal City Official Seal at Mt. Capislaong Summit.

taong 2000 ng naging syudad ang naturang bayan at naging sentro ng komersyo sa rehiyong 12.dahil din sa hindi stadong tayo ng kapayapaan sa syudad ng Kotabato, naging sentro narin ito ng mga opisina ng gobyernong national sa rehiyon dose. Nagsulputan ang iba't-ibang stablisementong pangkalakal at negosyo.

pinakabagong mall ng Koronadal

ngayong buwan ng Octobre, inaasahan na dadayuhin na naman ng napakaraming taoang lungsod. sa buwang ito tinalaga bilang lungsod ang Koronadal. Malayo-layo narin ang narating ng nasabing syudad. binato narin ito ng iba't-ibang batikos at isyung pangkapayapaan ngunit naging matatag ang mga namamahala dito at sa ngayon nagdiriwang ito ng kanyang ika-12 Charter Anniversary at kasunod dito ang isang kasiyahan sa negosyo na pangalawang taon nang ipinagdiriwang.

talaan ng mga aktibidadis

sa lahat ng mga taga Koronadal. . . Maligayang kaarawan bilang isang Lungsod. . . Mabuhay! kitakitz!


maraming salamat sa mga sumusunod:

Mayor Peter B. Miguel 
Councilor Ellen Grace Subere
City Tourism Office
City Information Office
Richard Banzuelo
Nanardz
Mimi Baldios

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento