Sabado, Hulyo 23, 2011

TAKBO SA DALAN: KAMPANYA KONTRA TABAKO






ISAANG PAKIKIBAKA!

SIYUDAD NG KORONADAL- Hulyo 23,2011, umagang kay ganda! maagang akong gumising dahit ito'y isang umaga na kinasasabikan ko. kasali lang naman ako sa isang takbuhan na may katuturan.


halos alas tres y medya nang ako'y ginising ni Terenz, isang matalik na kaibigan na sasali rin sa okasyong ito. Nagsimula kaming lumakad ng halos may 2 kilometro mula sa bahay hanggang sa kapitolyo ng syudad ng Koronadal.

marami-rami na rin ang naaninag namin ng kami'y dumating. napansin ko agad si Ma'am Ellen Grace Subere, isang konsehal ng syudad na siyang may akda nitong advocacy laban sa pananabako.


abala ang naturang kasapi sa pamimigay ng mga damit na siyang gamitin sa pangyayaring ito. Pumansin din sakin ang pagdating ng mga kasapi ng Liga ng mga Kagawad na sina sir Floro Calixton Jr, Mark Lapidez at mga kasamahan ding galing sa kalapit na bayan.


naging pamukaw sigla ang naging anunsyo ng isang tagatangkilik ng naturang pagkakataon na SUN CELLULAR na ang unang limang kalahok na makarating sa katapusan ng takbuhan ay magkaroon ng premyo mula sa kanila.



halos higit kumulang tatlong libong kalahok ang sumali, mula sa pribado, ahensya ng gobyerno, pulis, mag-aaral, kabataan at simpleng tao.






malapit-lapit isang oras naming tinakbo ang tatlong kilometrong daan. Napagitnaan kami ng mga mamang pulis kasama ang mga kawani ng lungsod na nauna ko nang nabanggit.


Kagawad Floro Calixton Jr
Kagawad Mark Lapidez

Mayor Peter Miguel and Dating Sangguniang Kabataan Therenz Tabuzares


nagtapos kami na maginhawa sa loob. Naging bahagi kami ng isang advocacy na tinutukan ng kasalukuyang kawaning Departamentong Pangkalusugan. Ang Blue Bird Project ng UN at ANTI-TOBACCO bill ng Pinas.
Nakakapagod tumakbo ngunit masarap sa pakiramdam. Isang pagpapahalaga sa kalusugan na laging binabaliwala ng bawat isa sa atin na may malaki namang epekto sa nakakarami.




sa isang lungsod na patungo sa isang progresibo... si Toristang Pinoy po ay nagbibigay pugay sa inyo...      CIUDAD NG KORONADAL.



sa isang may katha nitong pagtitipon... sayo mam ELLEN... Saludo po ang nakakarami sa inyo...
aasahan ninyo po na isa kami sa mga magpapahatid kaalaman sa ipinaglaban nating adbokasiya...



Biyernes, Hulyo 22, 2011

KUWEBA LEBO SOBOY

LEMFUGON,LAKE SEBU SOUTH COTABATO

KWENTUHANG MATSING!

habang walang magawa, kasama si Roy at Toto, nasagi sa usapan ang mga yungib na makikita sa malalapit na lugar na kung saan kami naroroon hanggang sa nakapagdisisyon kaming tatlong magkakaibigan na susuong na naman sa panibagong lakaran.

Ang destinasyon? LEBO SOBOY ng Lemfugon.


Barangay Lemfugon, Lake Sebu South Cotabato

Maaga pa lang nagkita-kita na kami sa aming pinagusapang lugar. Kumpleto kaming tatlo at may sumama din saming dalawang babae, si  Aida at Imilda.



halos 30 minuto din kaming nagbayahe sakay nang motorsiklo (habal-habal, skylab). kami ni Roy sa isang motor at Aida,Imelda at Toto naman sa pangalawa.



bumungad samin ang isang daanan na hindi kayang akyatin ng aming dalang sinasakyan. napakahirap at sa aming tantya daanan ito ng kabayo na siyang paraan ng transportsyon ng mga nakatira dito.




malapit lang naman ang aming nilakad subalit napakatirik at medyo madulas din ang dinadaanan. halos b'yente minutos lang naming nilakad hanggang marating namin ang bunganga ng kuweba na aming pakay.

R-L: aida,toto,roy,imelda

ang kuweba Lebo Soboy ay isang maliit na kuweba lamang at tinuring isa nang tigang na yungib dahil sa mga pangaabuso ng mga taong walang pakundangang sumisira nito.




ang pagputol ng mga kristals na hinulma ng panahon


ang patuloy na paghuhukay

at pagpatay ng buhay ng kuweba.




umuwi kami na masaya dahil natupad namin ang aming adhikain na mapuntahan ang Kuweba Lebo Soboy na magbigay samin ng isang idea sa sunod na paglalakbay na aming e-letra de cambio sa mga sumusunod na mga araw.

habang pabalik ako sa aking pinanggalingan, may kirot akong nararamdaman sa puso. isang antak na waring nagbibigay sakin ng gabay na patuloy na ibahagi ang aking karanasan at nakikita sa mga tagong lugar na hindi pa naabot ng karamihan.


"Anupa't kinapal na napakalawak ang kahiwagaang hindi madalumat; sa sangkatauhan ay guhit ng palad ng bawat nilalang ang nakakatulad; ganda't kapangitan ng gubat"






nagpapasalamat sa mga sumusunod:


Tourism Lake Sebu 
Lake Sebu Expedition Team
Tourism Lake Sebu Promotion Section
Tourism Staff
Zshyng
Froiland
Roy
Imelda
Aida


 


Sabado, Hulyo 16, 2011

ANG HAMON NG ILOG T'DAAN KINI


nahirapan akong sumulat ng artikulong ito dahil din siguro sa hirap na dinanas namin sa paglalakbay na aming ginawa sa isang hamon na ininda ng aming mga kasamahan ng halos ilang araw din.

mga huling araw ng buwan ng Marso ng napagisipan naming magkakaibigan kasama ang grupo ng tourism staff ng bayan ng Lake Sebu na sundan ang ilog T'daan Kini.
halos hindi makatulog ang isa naming kasamahan na si Jha Jha habang palapit ang petsa ng aming paglalakbay.

Maaga pa lang bumyahe na kami mula sa bayan ng Banga na kung saan may halos 20 kilometro din ang layo. Sakay ng kanya-kanyang dalang sasakyan pumanhik kami sa bayan ng Lake Sebu.

Dumaan sa opisina ng Tourism upang magparehistro. (isang alituntunin ng bayan na dapat magparehistro ang mga bumibisita, lokal man o banyaga).

halos labin limang minuto din kaming naglakbay hanggang makarating sa Barrio ng Lemlahak.
huminto muna kami ng sandali para sa mga huling bilin ng aming gabay na si Jerson Ungkal. Isang tourism staff na may mataas na kasanayan sa mga ganitong gawain

Dahil sa ang mga kasamahan namin ay puro pa baguhan, pinapaingat nya kami sa madulas na mga bato ng ilog.
nagumpisa kmi ng masaya. . . maingay. . . at may kalikutan hehehehehe


hindi pa kami nakayayo, nang maanod ang pares ng tsinelas ni Jha Jha at diri-diritso pa baba, buti nalang at mabilis din ang aming kasamahang si Oscar Wali at hinabol ito.

naka limang simplang din si Jha Jha habang tinatawanan ni Jay sa pagsuyod  ng mapanghamon na ilog.


Halos isang oras naming tinahak ang dalawang daan metro lamang na ilog. . . akyat baba kami sa mga malalaking bato at mga maliliit na talon.


hingal na hingal ang bawat isa samin habang nagpapahinga sa gilid ng ilog.

isang masayang paglalakbay na may hamon sa bawat isa samin. Hamon na nagiiwan samin ng palaisipan kung saan naman kami makakita ng ganitong uri ng aglahi na magudyok sa bawat isa ng susunod na lakad.


Nagpapasalamat ang may akda sa mga taong sumusunod:

Mrs. Thelma Arcallo - Lake Sebu Tourism Officer
Mr. Jerson Ungkal
Mr. Oscar Wali
Mr. Froiland Carrado
       aming mga guide.