LEMFUGON,LAKE SEBU SOUTH COTABATO
KWENTUHANG MATSING!
habang walang magawa, kasama si Roy at Toto, nasagi sa usapan ang mga yungib na makikita sa malalapit na lugar na kung saan kami naroroon hanggang sa nakapagdisisyon kaming tatlong magkakaibigan na susuong na naman sa panibagong lakaran.
Barangay Lemfugon, Lake Sebu South Cotabato
Maaga pa lang nagkita-kita na kami sa aming pinagusapang lugar. Kumpleto kaming tatlo at may sumama din saming dalawang babae, si Aida at Imilda.
halos 30 minuto din kaming nagbayahe sakay nang motorsiklo (habal-habal, skylab). kami ni Roy sa isang motor at Aida,Imelda at Toto naman sa pangalawa.
bumungad samin ang isang daanan na hindi kayang akyatin ng aming dalang sinasakyan. napakahirap at sa aming tantya daanan ito ng kabayo na siyang paraan ng transportsyon ng mga nakatira dito.
malapit lang naman ang aming nilakad subalit napakatirik at medyo madulas din ang dinadaanan. halos b'yente minutos lang naming nilakad hanggang marating namin ang bunganga ng kuweba na aming pakay.
R-L: aida,toto,roy,imelda |
ang pagputol ng mga kristals na hinulma ng panahon
ang patuloy na paghuhukay
at pagpatay ng buhay ng kuweba.
umuwi kami na masaya dahil natupad namin ang aming adhikain na mapuntahan ang Kuweba Lebo Soboy na magbigay samin ng isang idea sa sunod na paglalakbay na aming e-letra de cambio sa mga sumusunod na mga araw.
habang pabalik ako sa aking pinanggalingan, may kirot akong nararamdaman sa puso. isang antak na waring nagbibigay sakin ng gabay na patuloy na ibahagi ang aking karanasan at nakikita sa mga tagong lugar na hindi pa naabot ng karamihan.
"Anupa't kinapal na napakalawak ang kahiwagaang hindi madalumat; sa sangkatauhan ay guhit ng palad ng bawat nilalang ang nakakatulad; ganda't kapangitan ng gubat"
nagpapasalamat sa mga sumusunod:
Tourism Lake Sebu
Lake Sebu Expedition Team
Tourism Lake Sebu Promotion Section
Tourism Staff
Zshyng
Froiland
Roy
Imelda
Aida
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento