ISAANG PAKIKIBAKA!
SIYUDAD NG KORONADAL- Hulyo 23,2011, umagang kay ganda! maagang akong gumising dahit ito'y isang umaga na kinasasabikan ko. kasali lang naman ako sa isang takbuhan na may katuturan.
halos alas tres y medya nang ako'y ginising ni Terenz, isang matalik na kaibigan na sasali rin sa okasyong ito. Nagsimula kaming lumakad ng halos may 2 kilometro mula sa bahay hanggang sa kapitolyo ng syudad ng Koronadal.
marami-rami na rin ang naaninag namin ng kami'y dumating. napansin ko agad si Ma'am Ellen Grace Subere, isang konsehal ng syudad na siyang may akda nitong advocacy laban sa pananabako.
abala ang naturang kasapi sa pamimigay ng mga damit na siyang gamitin sa pangyayaring ito. Pumansin din sakin ang pagdating ng mga kasapi ng Liga ng mga Kagawad na sina sir Floro Calixton Jr, Mark Lapidez at mga kasamahan ding galing sa kalapit na bayan.
naging pamukaw sigla ang naging anunsyo ng isang tagatangkilik ng naturang pagkakataon na SUN CELLULAR na ang unang limang kalahok na makarating sa katapusan ng takbuhan ay magkaroon ng premyo mula sa kanila.
halos higit kumulang tatlong libong kalahok ang sumali, mula sa pribado, ahensya ng gobyerno, pulis, mag-aaral, kabataan at simpleng tao.
malapit-lapit isang oras naming tinakbo ang tatlong kilometrong daan. Napagitnaan kami ng mga mamang pulis kasama ang mga kawani ng lungsod na nauna ko nang nabanggit.
Kagawad Floro Calixton Jr
Mayor Peter Miguel and Dating Sangguniang Kabataan Therenz Tabuzares
nagtapos kami na maginhawa sa loob. Naging bahagi kami ng isang advocacy na tinutukan ng kasalukuyang kawaning Departamentong Pangkalusugan. Ang Blue Bird Project ng UN at ANTI-TOBACCO bill ng Pinas.
Nakakapagod tumakbo ngunit masarap sa pakiramdam. Isang pagpapahalaga sa kalusugan na laging binabaliwala ng bawat isa sa atin na may malaki namang epekto sa nakakarami.
sa isang lungsod na patungo sa isang progresibo... si Toristang Pinoy po ay nagbibigay pugay sa inyo... CIUDAD NG KORONADAL.
sa isang may katha nitong pagtitipon... sayo mam ELLEN... Saludo po ang nakakarami sa inyo...
aasahan ninyo po na isa kami sa mga magpapahatid kaalaman sa ipinaglaban nating adbokasiya...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento