Lunes, Agosto 29, 2011

MUSCOVADO NG SULTAN KUDARAT

Rotonda ng Siudad ng Tacurong

Nasa kalagitnan ako ng isang pagtitipon ng may bumulong sakin kung sasama ako sa mga katrabahong iikot sa lalawigan ng Sultan Kudarat. 

Kung ika'y isang baguhan sa lugar na ito unang papasok sa iyong isipan, "ano ako magpakamatay??


Naging laman ng balita ang Tacurong City noong mga nakaraang linggo dahil sa pagpasabog sa kumboy ng goberndor ng ARMM na si Toto Mangudadatu na kinamatay ng ilang katao at kinasugat ng iba.

bahagi ng daan kung saan naganap ang pagsabog

Naging aktibo kaming itaguyod ang torismo sa Isla ng Mindanao kasama ng grupo ang departamento ng torismo, lokal at national.


halos mag alas-nuebe na kaming nagkita-kita sa araw ng aming pinagusapan. Ng nasigurado nang kompleto na ang grupo agad ng gumayak at pumunta sa dapat paroroonan. Ang pagawaan ng Mascuvado.

muscovado

Ang Muscovado ay isang uri ng asukal na mabibili sa alin mang pamilihan. Kulay pula at may mga matitigas na parang kendi dahil sa nagtipong elemento.

Unang distinasyon, ang Muscovado ng Lambayong. . .


Napag alaman naming ang pamilyang Abalos ang may ari ng naturang planta. Binubuo ito ng halaos 20 na kataong manggagawa. Aminado ang may ari na mahirap ang sitwasyon ng naturang industriya lalo na sa kanilang mga baguhan ngunit sa tulong ng ibat-ibang sektor ng lipunan ay umaasa siyng lalago din at papatok sa takilya.

mga tubo na nakunan na ng dagta

bago ang kagamitan ng naturang istraktura at umaabot ng isang daang kilong muscovado sa isang lutuan na aabutin ng labindalawang oras.

bahagi ng sistema ng pagluto

makinang ginagamit sa pagpiga ng tubo

nilulutuan
kung saan pinapasok ang panggatong

paglipat ng niluluto bilang bahagi ng ayos

 Lokal na ahensya ng Pres.Quirino

 presentasyon kung saan nanggaling ang tubo



produkto na tinatawag na Muscovado

katuwaan, kasiyahan at pasyal. . . ito ang pakay ng bawat isa samin ngunit isa itong pagbigay sa inyo ng impormasyon na ng probinsiyang Sultan Kudarat ay magiging tanyag hindi sa balitang bumabalot ng takot sa lahat na bibisita ngunit makilala sa isang bahaging tinatakang MUSCUVADO.


PASASALAMAT:

Department of Tourisim 
Regional Tourism Council R12
Provincial Government of Sultan Kudarat
Municipality of Lambayong
Municipality of Pres,Quirino
ATOP R12
Pamilyang Abalos

Huwebes, Agosto 18, 2011

ANG SEX TOUR NG SOX (SOCCSKSARGEN) BLOGGERS

MALAMIG NA HAPON


Habang nakaupo ako sa aming sopa sa malamig na hapon, wala akong maisip isulat sa aking blog, nang bigla kong napansin sa chat friend ko ang nakapaskil na pangalang Avel Manansala. Bigla akong may naalala. . . oo nga pala may pinadala saking sulat. . . sulat ng isang kaibigan para sa isang kasiyahang matunghayan.

AVEL "BARILES" MANANSALA

Halos isang taon na ang nakakalipas ng bumisita sa bayan ng Lake Sebu, Timog Kutabato ang myembro ng  Bloggers na pinangungunahan ni Ginoong Avel "Bariles" Manansala ng www.GenSantos.com. kalakip ng grupo ang mga magagaling na manunulat mula sa syudad ng Davao, Heneral Santos, Tacurong at Luzon.

MGA KASALI SA SEX TOUR 

Tinawag itong SEX Tour o SOCCSKSARGEN EXPERIENCE Tour sa lahat na bloggers sa buong Pilipinas. Iikot ang grupo sa loob ng tatlong araw sa lahat ng magagandang tanawin ng tatlong pobinsiya, Saranggani,South Cotabato, Sultan Kudarat, at Heneral Santos para maranasan ang kakaibang tuwa.


Maaliwalas ang pagtanggap sa mga manunulat ng kumunidad. Dinayo namin ang hindi pang noong nabuksang T'daan Kini Mini Falls na makikita sa Barrio ng Lemlahak.


Linakad ng aming grupo ang halos isang kilometrong layo. Litrato dito. . . litrato doon. . . kuha ng magagandang larawan sa bawat madadaanan. . .


Kahit nakakapagod man at ilang ulit natalisod at gumulong ang mga kasamahan namin pinitil parin nilang makarating sa paroroonan. Ang napakagandang T'daan Kini Falls.


Sa darating na buwan magiging panauhin na naman kami sa naturang lugar at kalasag ng S3X Tour Tres ang T'boli national artist L'ang Dulay. Dahil sa ginawang blogs ng aming mga kasamahan, naging tanyag na ang T'daan Kini Falls at binuksan na ito sa publiko at mga torista.


Isang sulat mula sa tanyang na Orman Manansala ng Gandaeversomuch.com para sa ama ng Lake Sebu upang payagan ulit ang mga representante ng S3X  Tour Tres na bumisita sa naturang lugar.


Magkikita naman ang Bariles at Tilapia. . . magkasama naman ang Gandaeversomuch at toristang pinoy. . . sino kaya ang makakasama na bagong mukha? kayo? sama kayo sa bagong paglalakbay ng grupong SOX?. . .tara na. . . sabayan ninyo kami. . .

Martes, Agosto 16, 2011

PANGATLONG PINAKAMALAKING AGILA NG PILIPINAS, NATAGPUAN

GILID NG DAAN, TIMOG KUTABATO

Medyo tinanghali ako ng dating mula sa kabihasnan nang napansin ko na walang katao-tao sa loob ng opisinang aking pinaglilingkuran. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa at ng hindi na makatiis bigla na akong nagtanong sa aking mga kasamahan. "nasaan sila?" sinagot naman ako "nandoon" sabay nguso sa kalapit na gusali.

Dali-dali akong pumunta doon para maging myembro din ng "osi"(osisero). Nang bumulagta sa akin ang isang malaking ibon. 


Bigla akong kinabahan, sabi ko sa sarili ko huwag naman sana. . . ang nasa isip ko noong panahong na iyon ay nahuli ang sisiw ng agila (Philippine Eagle) na makikita sa bundok ng tatlong hari. . .

Sinabihan agad ako ng mga kasamahan na may tama ang naturang agila. Dahil sa aking kaalaman sa medisina, tiningnan ko agad ang tama ng naturang kawawang ibon. 

Bali at basag ang boto sa kaliwang pakpak, base sa aming tantya ito'y tama ng isang gawang bahay na baril na nilalagyan ng jolen bilang bala.

Masakit sakin na makita ang ganung kalagayan ng ibon. Naging taga hatid ang aking grupo ng impormasyon sa bawat kapisanan ng naturang bayan sa pagaalaga ng kalikasan lalong-lalo na ang mga ibon na katulad nito.

kinilala ng kawani ng MENRO ang naturang ibon na "Changeable Hawk Eagle" na myembro ng pangatlong pinakamalaking agila ng Pilipinas. Napagalaman din namin na ang naturang ibon ay isang sisiw pa lamang at malamang naligaw ito at napadpad sa naturang lugar na kung saan hinabol ng mangangaso at pinaputukan.

malaki ang impikasyon nito sa mga taga subaybay ng mga naturang ibon. Ang kawalang disiplina ng bawat mamamayan. 
Pagkalipas ng isang araw namatay din ang naturang ibon. Sa ngayon, pinaghahanap ng MENRO ang nakabaril dito hindi para ikulong kundi para ipaintindi sa bawat isa na may kanya-kanya obligasyon para bumalik ang kasaganahan ng kalikasan.

Nagpapasalamat po tayo sa mga nagbigay ng tulong para masalba sana ang isang importanting nilikha ng may kapal. Sa ganitong pagkakataon makikita ang pagtutulungan ng mga taong may pagmamahal sa kalikasan.

Ang inyong may akda ay taos pusong nagsasaludo sa myembro ng MENRO at PENRO, sa PVO at sa mga     ordinaryong tao na tumulong. maraming maraming salamat po AI! AI! SIR!

Biyernes, Agosto 5, 2011

ANG PAMAMAALAM NG FIT MART MALL OF MARBEL

MALAMIG NA GABI

Isang malaking balita ang bumulaga sa unang linggo pa lang ng Agosto. Lumabas ang mga haka-haka nang pagbenta umano ng Fit Mart Mall of Marbel sa Gaisano Mall of Cebu

Matandaan na ang mga magkakapatid na Ong ang nagpapatakbo ng naturang bahay pamilihan. Ayon sa nakuha naming impormasyon, mahigit dalawang linggo na ang nakaraan ng magpirmahan ang dalawang panig at sinisimulan na ang mga pagaayos ng bagong administrasyon.

Sa ngayon, nasa sale ang naturang mall na umaabot ng 70% and diskwento sa mga paninda para maubos bago sumapit ang takdang pagpalit ng may ari.

nabalitaan namin na simula Septembre 01,2011 ay tatawagin na itong Gaisano Mall of Marbel.

Sa lahat na mamimili. . . sabayan ninyo akong mag ukay ukay sa huling sandali ng Fit Mart Mall of Marbel.

BAYANI O MANDARAYA?

SOPA NOOD NG TELEBESYON

Ilang araw nang naging ulo ng balita ang kauna-unahang Senador ng Pilipinas na bumitiw sa pwesto. Si Sen.Miguel Zubiri.
Sabayan ninyo akong kilalanin ang taong laman ng tsismisan sa bawat panig ng kantohan ngayon.

Si Juan Miguel F.Zubiri o mas kilalang sa tawag na "Migz". Myembro ng kilalang angkan ng Bukidnon sa Mindanao. Anak ng Bise Gobernador Jose Ma Zubiri at Victoria na tanyag din sa larangan ng pulitika. Naging congresista ng tatlong termino ng kanyang lalawaigan. Siya rin ang may hawak ng perpektong pagkandili sa lahat na pagtitipon ng kongreso. 
dahil sa kasipagan, naisumiti nya ang may halos 650 na pasya at ang iba ay naging batas. Tumakbo ang batang Zubiri noong 2007 bilang senador at bumilang ng ika-labindalawa.

Naging tanyag siya sa tawag na "Mr.Clean Energy" dahil sa naging taimtim na tagpagsanggalan ng kalikasan.

               naging may akda siya ng mga sumusunod:


             RA10068 – Organic Agriculture Act of 2010;
                RA 9147 – Wildlife Conservation and Protection Act;

RA 10121 – Philippine Disaster Risk Management Act;
RA 9165  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002;
RA 9679 – the Home Development Mutual Fund Law of 2009 (Pag-IBIG Fund);
RA 9653 – the Rent Control Act of 2009;
RA 9997 – the National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009;
RA 9996 – the Mindanao Development Authority Act of 2010;
RA 9904 – the Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations;
RA 9903 – Condonation of Penalties on Delinquent Social Security Contributions;
RA 9507 – the Socialized and Low-Cost Housing Loan Condonation Program;
RA 9850 – Declaring Arnis as the National Martial Art and Sport;
RA 9500 – UP Charter Amendments;
RA 9163 – National Service Training Program;
RA 9166 – Armed Forces of the Philippines Rate Pay Base Increase Act;
RA 10072 – the New Charter of the Philippine Red Cross;
RA 9645 – Declaring July 27 of Every Year as Araw ng Iglesia Ni Cristo and as Special Working Holiday; and
RA 9849 – Declaring Eidul Adha as a National Holiday.
siya rin ang gobernador ng Philippine National Red Cross sa ngayon. Si Migz din ang may-katha ng librong Philippine Cooperative Code of 2008 at Bukidnon: The Philippine Frontier.
Datapwat lahat na ito ay nawala parang bula dahil sa mga haka haka ng pangdaraya noong senatorial election na kung saan umano ang senador ang naging benipisyador. Itinanggi na ito ng naturang Senador ngunit inulan parin siya ng batikos hanggang ginulantang nya ang publiko sa kanyang desisyon ngayong linggo.

Bayani ba siyang maitatawag o Mandaraya?

Ating subaybayan. . . kayo ang huhusga. . . .



Miyerkules, Agosto 3, 2011

UMAGANG UMUULAN

KWARTO, BAHAY SA NA MALIIT

Naka balot, yakap ang malaking unan, nang ako'y gumising. Unang napansin ang kalamigan ng aking maliit na silid. Nagtaka ako bakit hindi ko makita ng bukang liway-way na siyang pumupukaw sa kasarapan ng aking tulog tuwing umaga.

Mabilis kung tiningnan ang orasan mula sa aking telepono, halos mag alas syete na ng umaga. bumangon na ako at gumayak para sa mga araw-araw na gawain.

Bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahil wlang magawa, napagisipan kong magmuni-muni.
Sumagi sa isipan ko ang mga gawaing noong bata pa ako. Ang maligo sa ulan habang tumatampisaw sa maruming kanal na mula sa tubig ulan, naghahabulan na wlang damit sa daan kasama ang ibang mga bata.
Halos isang oras din bago huminto na ang ulan. . . oh kay gandang balik-balikan ang karanasanag naging malaki ang impluwensya ng paghubog ng aking pagkatao ngayon.


KAMAONG SA LAWA NG SEBU

Bayan ng Lake Sebu, Timog Kotabato
Ginimbal ng isang balitang nagsilutangan ang mga isda sa ng Lawa ng Sebu sa unang araw ng linggo (Hulyo 25,2011). Agad-gad akong nagtanong sa kinauukulan kung totoo ang balita at sa kasamaang palad nakumpirma na nagkaroon nga ng malawakang pagkakamatay ng tilapia (isang uri ng isda na makikita sa mga lawa ng Pilipinas).
tinamaan ang walong tagapagpatakbo ng haula ng mga tilapia sa isang bahagi ng Lawa ng Sebu. Halos umabot ng humigit kumulang ng labin-dalawang libong tonelada ang nagsilutangan sa gilid na bahagi ng lawa.
malapitlapit isang milyon ang nawala sa mga negosyanting mangingisda sa tinatawag na "Kamaong" ng lokal na  komunidad. Ang Kamaong ay isang natural na aktibidad ng lawa taon-taon lalo na paginulan ng mahina at samahan ng kunting hangin.
Balita sa pahayagaan radyo,telebisyon at maging sa diaryo ang pagkaroon ng "fish kill" sa lawa na naging masamang pahiwatig lalong lalo na sa sektor ng torismo at ekonomiya ng naturang bayan.

ang nilalaman ng mga ito ay hindi pino sa dahilan ng malawakang pagkamatay ng isda. Ang Kamaong sa bayan ng Lake Sebu ay taunang nangyayari, hindi dahilan sa polusyon o sobrang daming semilya sa isang kulungan. Ito'y nangyayari tuwing panahon ng tagulan dahil sa pagliit ng oxygen sa tubig. 

Ginagawan na ngayon ng paraan kung pano matutulungan ng kawani ng Agrikutura ng bayan ang mga apektadong namumuhunan.