Miyerkules, Agosto 3, 2011

UMAGANG UMUULAN

KWARTO, BAHAY SA NA MALIIT

Naka balot, yakap ang malaking unan, nang ako'y gumising. Unang napansin ang kalamigan ng aking maliit na silid. Nagtaka ako bakit hindi ko makita ng bukang liway-way na siyang pumupukaw sa kasarapan ng aking tulog tuwing umaga.

Mabilis kung tiningnan ang orasan mula sa aking telepono, halos mag alas syete na ng umaga. bumangon na ako at gumayak para sa mga araw-araw na gawain.

Bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahil wlang magawa, napagisipan kong magmuni-muni.
Sumagi sa isipan ko ang mga gawaing noong bata pa ako. Ang maligo sa ulan habang tumatampisaw sa maruming kanal na mula sa tubig ulan, naghahabulan na wlang damit sa daan kasama ang ibang mga bata.
Halos isang oras din bago huminto na ang ulan. . . oh kay gandang balik-balikan ang karanasanag naging malaki ang impluwensya ng paghubog ng aking pagkatao ngayon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento