Miyerkules, Agosto 3, 2011

KAMAONG SA LAWA NG SEBU

Bayan ng Lake Sebu, Timog Kotabato
Ginimbal ng isang balitang nagsilutangan ang mga isda sa ng Lawa ng Sebu sa unang araw ng linggo (Hulyo 25,2011). Agad-gad akong nagtanong sa kinauukulan kung totoo ang balita at sa kasamaang palad nakumpirma na nagkaroon nga ng malawakang pagkakamatay ng tilapia (isang uri ng isda na makikita sa mga lawa ng Pilipinas).
tinamaan ang walong tagapagpatakbo ng haula ng mga tilapia sa isang bahagi ng Lawa ng Sebu. Halos umabot ng humigit kumulang ng labin-dalawang libong tonelada ang nagsilutangan sa gilid na bahagi ng lawa.
malapitlapit isang milyon ang nawala sa mga negosyanting mangingisda sa tinatawag na "Kamaong" ng lokal na  komunidad. Ang Kamaong ay isang natural na aktibidad ng lawa taon-taon lalo na paginulan ng mahina at samahan ng kunting hangin.
Balita sa pahayagaan radyo,telebisyon at maging sa diaryo ang pagkaroon ng "fish kill" sa lawa na naging masamang pahiwatig lalong lalo na sa sektor ng torismo at ekonomiya ng naturang bayan.

ang nilalaman ng mga ito ay hindi pino sa dahilan ng malawakang pagkamatay ng isda. Ang Kamaong sa bayan ng Lake Sebu ay taunang nangyayari, hindi dahilan sa polusyon o sobrang daming semilya sa isang kulungan. Ito'y nangyayari tuwing panahon ng tagulan dahil sa pagliit ng oxygen sa tubig. 

Ginagawan na ngayon ng paraan kung pano matutulungan ng kawani ng Agrikutura ng bayan ang mga apektadong namumuhunan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento