GILID NG DAAN, TIMOG KUTABATO
Medyo tinanghali ako ng dating mula sa kabihasnan nang napansin ko na walang katao-tao sa loob ng opisinang aking pinaglilingkuran. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa at ng hindi na makatiis bigla na akong nagtanong sa aking mga kasamahan. "nasaan sila?" sinagot naman ako "nandoon" sabay nguso sa kalapit na gusali.
Dali-dali akong pumunta doon para maging myembro din ng "osi"(osisero). Nang bumulagta sa akin ang isang malaking ibon.
Bigla akong kinabahan, sabi ko sa sarili ko huwag naman sana. . . ang nasa isip ko noong panahong na iyon ay nahuli ang sisiw ng agila (Philippine Eagle) na makikita sa bundok ng tatlong hari. . .
Sinabihan agad ako ng mga kasamahan na may tama ang naturang agila. Dahil sa aking kaalaman sa medisina, tiningnan ko agad ang tama ng naturang kawawang ibon.
Bali at basag ang boto sa kaliwang pakpak, base sa aming tantya ito'y tama ng isang gawang bahay na baril na nilalagyan ng jolen bilang bala.
Masakit sakin na makita ang ganung kalagayan ng ibon. Naging taga hatid ang aking grupo ng impormasyon sa bawat kapisanan ng naturang bayan sa pagaalaga ng kalikasan lalong-lalo na ang mga ibon na katulad nito.
kinilala ng kawani ng MENRO ang naturang ibon na "Changeable Hawk Eagle" na myembro ng pangatlong pinakamalaking agila ng Pilipinas. Napagalaman din namin na ang naturang ibon ay isang sisiw pa lamang at malamang naligaw ito at napadpad sa naturang lugar na kung saan hinabol ng mangangaso at pinaputukan.
malaki ang impikasyon nito sa mga taga subaybay ng mga naturang ibon. Ang kawalang disiplina ng bawat mamamayan.
Pagkalipas ng isang araw namatay din ang naturang ibon. Sa ngayon, pinaghahanap ng MENRO ang nakabaril dito hindi para ikulong kundi para ipaintindi sa bawat isa na may kanya-kanya obligasyon para bumalik ang kasaganahan ng kalikasan.
Nagpapasalamat po tayo sa mga nagbigay ng tulong para masalba sana ang isang importanting nilikha ng may kapal. Sa ganitong pagkakataon makikita ang pagtutulungan ng mga taong may pagmamahal sa kalikasan.
Ang inyong may akda ay taos pusong nagsasaludo sa myembro ng MENRO at PENRO, sa PVO at sa mga ordinaryong tao na tumulong. maraming maraming salamat po AI! AI! SIR!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento